Dear Ma’am Roan,
Thank you po sa lahat ng teachings na binigay niyo sa amin this semester. Ang dami ko pong natutunan na lessons that I can use while taking this path in technology for my future career. Honestly, my first impression ko po sa inyo ay mukha kayong masungit haha, pero as the semester went on, nakita ko po na kayo pala ang isa sa pinaka-approachable at comfortable na teacher dito sa NEUST.
Alam ko naman po na kapag minsan nagagalit kayo, gusto niyo lang po maitama yung mga mali namin. Hindi po kayo nagto-tolerate ng bad behaviors, and you always make sure na updated kami sa mga announcements and activities sa school. You really just want us to learn and grow in the right way. Marami po sa amin ang nakakaramdam ng comfort sa class niyo, lalo na po ako, because kahit challenging ang lessons, napapadali dahil sa teaching style ninyo.
Nakakatuwa po na kahit marami kaming tanong o kahit paulit-ulit ang mga mistakes namin, lagi po kayong patient sa pag-explain hanggang maintindihan namin. Para po kayong second parent na talagang nagmamalasakit sa mga estudyante. Napakalaki po ng respeto at paghanga namin sa inyo dahil sa inyong dedication at pagmamahal sa pagtuturo.
Sana po kayo ulit ang maging teacher namin next semester! Maraming salamat po ulit, Ma’am, sa lahat ng effort at dedication niyo para maturuan kami. Kayo po ay isang inspiration sa aming lahat, at palagi po naming maaalala ang mga aral na naibahagi niyo sa amin.
Sincerely,
Ivan